Dumalo si Mayor Carlo Eleazar sa Inagurasyon ng bagong tatag na MSK o Munting Sambayanang Kristiyano ng Sitio Buyabod sa Barangay Katimo, Tagkawayan, Quezon ngayong araw, Marso 22, 2022.

Sa kaniyang pagdalo ipinahayag ng alkalde ang kasiyahan sa matagumpay na gawaing pansimbahan at nagbigay rin siya ng panimulang pondo ng samahan na magagamit sa kanilang mga gawain.

Mababatid na si Reb. Pad. Richard Eleazar na kapatid ng alkalde ang kasalukuyang Kora Paroko ng Parokya ng Mahal na Birheng Lourdes dito sa Tagkawayan.

Share this: