June 13, 2022—Dumating na ang ika-5 bugso ng mga binhing palay mula RCEF Seeds program ng PhilRice. May kabuuang 4,999 sako na ang naihatid sa Tagkawayan sa mga nabanggit na batches.

Ang mga ito ay ipamamahagi ng libre sa mga magsasaka ng iba’t-ibang barangay sa ating bayan. Pinapayuhan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor na makipag-ugnayan ang mga Pangulo ng Samahan o Sangguniang Barangay sa kanilang opisina para sa schedule ng delivery at distribusyon.

Share this: