Marso 22, 2022–Pormal nang nai-turn-over sa Barangay Katimo ang kanilang bagong Health Station na nagkakalahaga ng higit P1,000,000.00.

Pinangunahan ni Mayor Carlo Eleazar at Vice Mayor Danny Liwanag ang inagurasyon ngayong araw.

Malugod ang naging pagtanggap ng komunidad sa pangunguna ni Kapitan Luis Villareal.

Kinilala rin ni Mayor Eleazar ang masigasig na paggampan ng mga KALAHI Staff at Community Volunteers sa proyektong na siyang kauna-unahang gusali na naitayo sa kanilang bagong Barangay Site sa Sitio Pag-asa.

Buong pagmamalaki namang ibinalita ni Mayor Eleazar na lahat ng mga na-prioritized ng mga Barangay Proposals noong 2019 sa kabila nang pagtatapos ng orihinal na Cycle ng KALAHI CIDSS ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Pondo ng Munisipyo at Additional Financing ng nasabing proseso.

s.rase, j.magsino, rsd

Share this: