Kamakailan lang ay ipinamahagi sa nasa 172 na rehistradong mangingisda ng Tagkawayan, Quezon ang Fuel Subsidy Card para sa kanila. Pinangasiwaan ito ng DA-BFAR IV-A sa ilalim ng “Fuel Discount for farmers and Fisherfolk program”.

Ang Fuel Discount for Farmers and Fisherfolks Program ay nakasaad sa Special Provision No. 20 ng GAA FY 2022. Ang Programa ay naglalayon na matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na gumagamit ng makinarya sa pagsasaka at
pangingisda at lubhang naapektuhan ng pagtaas ng presyo g produktong petrolyo.

Bilang tugon sa tumataas na presyo ng langis, ang mga kwalipikadong magsasaka at mangingisda ay tatanggap ng Fuel Discount Card a naglalaman ng Tatlong Libong Piso (P3,000.00) na ayuda. Ito ay maaring gamitin sa pagbili ng krudo o gasolina.

Dahil sa limitadong pondo, ang Program ay tutuon sa simula sa mga magsasaka ng mais at mga mangingisda.

 

Ang mga kwalipikadong mangingisda ay dapat:

  1. may kakayahang pisikal na makapunta sa mga pinakamalapit na tanggapan ng USSC
  2. Rehistrado sa FishR;
  3. Gumagamit ng de-makinang bangka na hindi lalagpas sa tatlong (3) tonelada ang timbang at
    rehistrado sa BoatR; at
  4. Gumagamit ng legal na kagamitan sa pangingisda.
Share this: