Free Flu Vaccination

June 23, 2021—Isinagawa ngayong araw ang Free Flu Vaccination sa Municipal Covered Court Tagkawayan, Quezon na mula sa inisyatibo ni Quezon 4th District Representative Dra. Helen Tan bilang pakikiisa sa Department of Health.

Ang nasabing vaccination ay dinaluhan mismo ni Congw. Dra. Helen Tan kasama ang Punong Bayan Mayor Carlo Eleazar, ang kaniyang may-bahay Gng. Rachel Eleazar, Vice Mayor Danilo Liwanag, Dr. Malcolm Remo at G. Harold Butardo.

Samantala ikinagalak naman ng ilang mga guro at ilang Tagkawayanin ang pagdaraos ng libreng bakunahan na ito na isa sa hakbangin sa pagsusulong ng magandang kalusugan at proteksyon sa bawat isa.


Share this: