Tuloy-tuloy ang mga pagawaing bayan sa Tagkawayan, Quezon. Kasulukuyang isinasa-ayos ang drainage system sa kahabaan ng Jose Rizal Street sa Barangay Poblacion.

Ayon kay Engr. Francis Villanueva(MPDC), bahagi ang proyekto ng malawakan at multi-year implementation ng flood control project na hiniling sa Department of Public Works and Highways ng pamunuan ni Mayor Carlo Eleazar.

Katuwang rin ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice-Mayor Danny Liwanag agad nasimulan noong 2020 ang proyekto sa pakikipag-ugnayan ng tanggapan ni noo’y Congresswoman at ngayon ay Governor-elect Doktora Helen Tan sa DPWH.

Share this: