DTI NEGOSYO CENTER INILUNSAD SA TAGKAWAYAN

Tagkawayan, Quezon–Katuwang ang Department of Trade and Industry inilunsad ang ika-tatlumpung (30) Negosyo Center sa buong Quezon na matatagpuan mismo sa gusali ng lokal na pamahalaan ng Tagkawayan, Nobyembre 5, 2021.

Layunin nito na mas mailapit ang serbisyo ng DTI sa mga mamamayan na nais magkaroon ng negosyo upang hindi na sila dumayo sa ibang tanggapan para mag-asikaso ng pagpaparehistro.

Sa ginanap na launching ceremony nagbahagi ng pananalita si Mayor Carlo Eleazar, Vice Mayor Danny Liwanag at ang mga panauhin mula sa DTI-CALABARZON Regional Director Ms. Marilou Q. Toledo, DTI-Quezon Provincial Director Ms. Julieta L. Tadiosa kaisa ang mga dumalo na Tourism staff, at mga Department Heads.

Naging bahagi ng programa ang memorandum of Agreement Signing sa pagitan ng DTI at LGU Tagkawayan, Ribbon Cutting at Blessing ng Opisina sa pangunguna ni Rev. Fr. Richard Eleazar.

Samantala dumalo rin ang ilang business owners at grupo na nagtataguyod ng industriya ng Tagkawayan, kabilang ang Samahan ng mga maglalala, magtatambo, gayundin ang mga tagapamahala ng Ilapan Bee Farm at Agos ng Pag-asa. Nakiisa rin sina Soroptimist International of Tagkawayan President Mrs. Rachel Abraham Eleazar, HRMO Ms. Ma. Sarina Añonuevo, at Tourism Officer Ms. Anna Louella Villanueva, G. Tristan Jay Pia ng Livelihood Assistance Desk at Bb. Leah Gagapan ng BPLO.

Naniniwala si Mayor Carlo Eleazar na malaki ang maitutulong ng Negosyo Center sa pangkabuhayan ng mamamayan kung kaya’t patuloy ang kanilang magiging suporta kaisa ng Sangguniang Bayan para sa paglalaan ito ng pondo upang mas maitaguyod at maisulong ang kabuhayan sa Tagkawayan.

“Gusto rin po nating ipamulat na ang karagdagang kita at pangkabuhayan ay hindi lamang sa pang-eempleyo kundi maaaring makamit sa pagnenegosyo”, ayon pa sa Alkalde.

Sa tulong ng mga linkages, trainings at iba pang suporta ng DTI, kompiyansa ang alkalde na mas maraming negosyo ang mapapaunlad sa hinaharap.

“Gusto natin na katuwang ang DTI, ang mga negosyante natin na sa ngayon ay gumagapang ang estado at maitulak para tumakbo ang mga negosyong ito, dagdag pa ni Mayor Eleazar. | jayceldelmundo,teleradyo

Share this: