Matagumpay na naisagawa ang Blessing ng bagong Barangay Hall ng Brgy. Sto. Tomas, Tagkawayan, Quezon ngayong araw Pebrero 18, 2022.

“Ito po ang pinakamaganda at isa sa pinaka-malaking Barangay Hall sa Bayan ng Tagkawayan”. —mga bahagi ng pahayag ni Mayor Carlo Eleazar.

Bahagi ang proyekto ng balikatan projects ng Tanggapan ni Congw. Helen Tan at Department of Public Works and Highways o DPWH.

Kasamang dumalo sa programa ni Mayor Eleazar sina Atorni Mike Tan na kinatawan si Cong. Helen Tan, Vice Mayor Danny Liwanag at ilan pang panauhin.

Labis naman ang pasasalamat ng komunidad sa pangunguna ni Kapitan Romeo Villafuerte dahil maliban sa blessing ng barangay hall, isang service vehicle at mga materyales sa patubig din ang natanggap ng kanilang barangay.

Share this: