Tagkawayan, Quezon —Nagkaroon ng Barangay Fisheries and Aquatic Resources Management Council (BFARMC) Orientation ngayong araw November 9, 2021 sa Municipal Executive Hall na dinaluhan ng pamunuan ng Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council, ilang kapitan at kinatawan ng Coastal Barangays.

Tinalakay dito ang tungkol sa FARMC (Fisheries and Aquatic Resources Management Council) na siyang nagpasimula sa major role ng lokal na mangingisda at iba pang mga resource-users partikular na sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga patakaran at programa, gayundin ay tinalakay ang tungkol sa Fisheries Administrative Order 196 Series of 2000 “Patnubay sa Paglikha at Pagpapatupad ng FARMC”, at Levels on Development ng FARMC.

Kabilang sa mga nagbahagi ay mula sa BFAR-Region 4A na sina Ms. Josefina R. Tolentino – FARMC Coordinator, Ms. Kyle P. Dalma – FARMC Officer, at si Ms. Marie Fritsy Alvarez – Information Unit OIC, Chief FARMC Alternate Coordinator. Samantala nagpaabot rin si SB Comm. Chair on Agriculture Kons. Rayman Salvo na humikayat na paigtingin at magkaisa ang samahan upang mas maitaguyod ang malinis at masaganang karagatan.

Naging bahagi rin ng nasabing orientation ang election of officers ng B/MFARMC, na silang magbibigay partisipasyon upang mapanatiling malinis at mapaunlad ang baybayin ng munisipal na tubig na isa sa pinagkakabuhayan ng mga mamamayan ng Tagkawayan.

Bilang suporta naman sa sektor ng pangisdaan, patuloy ang pagpapatupad ng mga programa ng lokal na pamahalaan ng Tagkawayan sa pangunguna ni Mayor Carlo Eleazar, Vice Mayor Danny Liwanag mga miyembro ng Sangguniang Bayan at Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, MAO Juanito Panganiban.

Share this: