BARANGAY EMPLOYMENT SERVICE COORDINATORS BINIGYAN NG PAGSASANAY

Tagkawayan, Quezon–Sa layunin ng Pamahalaang Bayan ng Tagkawayan sa pangunguna ni Mayor Carlo Eleazar na mailapit ang serbisyo ng Public Employment Service Office sa mga kabarangayan, isang pagsasanay at orientation seminar ang idinaos sa Legislative Building, Nobyembre 5, 2021.

Sa tulong ng Department of Labor and Employment-DOLE Quezon sa pamamagitan nina Mr.Edwin Hernandez at Ms. Genecille Aguirre ay binigyan ng sapat na kaalaman ang mga Barangay Employment Service Coordinators kung paanong aalalayan ang mga kababayan nating naghahanap ng trabaho at kung paano ang sistema upang ang mga kompanyan na naghahanap ng mga empleyado ay ma-ikonekta sa mga barangay upang mas mailapit sa kanila ang mga potensyal na hanap-buhay sa Tagkawayan at maging sa labas ng lalawigan.

Share this: