Posted on by Teleradyo

Tuloy na ang mga paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ito’y sa harap ng pagsusulong ng ilang grupo na muli na namang i-postpone o ipagpaliban ang Barangay a SK Elections na nakatakda sa Disyembre.
Ayon kay Comelec Spox Atty. John Rex Laudiangco, kakailanganing may maipasang batas na mag-aatas sa Comelec na ipagpaliban ang eleksyon.
Kung wala nito, sinabi ng opisyal na tuloy lamang ang Comelec sa kanilang paghahanda, lalo’t may 6 na buwan pa para paghandaan ito.
Una nang sinabi ng Comelec na kadalasan ay mas mataas pa ang tensyon sa barangay elections, dahil ang magkakalaban ay kadalasang magkakapit-bahay o magkakamag-anak.
Ulat ni Julius Gonzales RP1