Awareness and Consciousness-Raising through Advocacy and Orientation Meeting for Solo Parents

Isinagawa ang nasabing Orientation meeting sa pangunguna ng ating MSWDO ma’am Genedina R. Penolio kasama si Ms Rhea B. Rodriguez (SWO III/GAD FOCAL POINT PERSON at sina Jay Alpuerto(DCW 1/PESO LEA DESIGNATE) at Jonel D. Gonzales( SOLO PARENT FOCAL).

Tinalakay dito ang tungkol sa batas at mga karapatan ng mga solo parents. Binigyang diin din ang mga benepisyo, pribiliheyo at karapatan ng mga nag iisang magulang tulad ng Solo Parent leave, housing at educational benefits bilang tulong sa Kanila under Republic Act 8972 otherwise known as Solo parent act of 2000.

Bilang benepisyo sa mga single parents sa pagtatrabaho, binibigyan sila ng mga pribiliheyo katulad ng:

  1. Flexible work schedule
  2. No Discrimination
  3. Single parent Leave of Absence not more than 7 working days every year.

Bukod pa dito, Kung below poverty level ang single parent, at pagkatapos ma-accredit ng MSWD, ang anak nya ay Pwedeng magkaroon ng benepisyo ng:

  1. Educational scholarship na pwedeng I apply sa Tesda, DepEd at Ched
  2. housing benefit na pwedeng I apply sa NHA at
  3. Medical Assistance

Sa ilalim ng Section 10, Article IV ng Implementing Rules and Regulations ng RA 8279, ang mga benepisyo at pribiliheyo ng isang Solo Parent ay Pwedeng makuha lamang Kung may solo parent identification card na duly issued ng DSWD Kung Kaya namahagi ang mga kinatawan ng Application forms upang sila ay makapagpatala. Bilang pagtatapos, tinalakay din ang mga kinakailangan para makapag apply ng nasabing ID.

Share this: