Business One-Stop Shop, Umarangkada Na!

Sa pangunguna ng Business Permit and Licensing Office kasama ang ilang ahensya at tanggapan. Maagang pumila ang ating mga kababayang kukuha at magre-renew ng kanilang Business Permits ngayon, sa unang araw ng B.O.S.S.

Mabilis at maayos na proseso para sa epektibong kapakinabangan ng ating mga negosyante.

BDO Tagkawayan – Opening Soon

Bumisita sa atin ngayong araw ang BDO Network Bank sa pangunguna nina Gng. Maria Teresita C. Mendoza (Area Head CARILAQUE), Gng. Anelyn C. Atilano (Branch Head) G. Michael Robin R. Panganiban (Service Officer) at Bb. Ayka C. Aldave (Marketing Assistant). Patungkol sa kanilang nalalapit na pagbubukas, isinalaysay ni Gng. Mendoza ang mga bagay na pwedeng maihandog na serbisyo ng BDO-NB sa mamamayan ng Tagkawayan.

Mayor Carlo nakipagpulong sa Department of Energy

Magandang araw po mga kababayan. Ngayong umaga po ay nakapulong natin sina Department of Energy Under Secretary Robert Uy at Ms. Gem Galang.

Tuloy-tuloy po ang ating pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng Pamahalaang Nasyonal para sa pagsasaktuparan ng ating mga mithiin sa ating bayan, kasama na po dito ang kaugnay ng Power/Energy Security ng ating bayan.

Tagkawayan Resiliency Complex

Binisita natin ang istado ng ating kasalukuyang proyekto sa Barangay Munting Parang na Multi-Purpose Evacuation Center na nagkakahalagang 50 M piso mula sa PAGCOR, na bahagi ng ating Tagkawayan Resiliency Complex para sa ating pagiging handa sa kahit ano man kalamidad o sakuna na darating sa ating bayan at katabi nito ang sinisimulan ng 30 M piso na kongkretong kalsada na nagmula kay Sen. Tito Sotto. Ang kalsadang ito ay may habang dalawang kilometro patungo sa ating Municipal Controlled Dumpsite.