TINGNAN | Matagumpay na naidaos ang ika-53ng General Assembly ng Ating Kooperatiba Multi-purpose Cooperative ngayong araw Abril 9, 2022.

Binigyang halaga naman ni Mayor Carlo Eleazar na panauhing tagapagsalita sa okasyon ang mahalagang gampanin ng kooperatiba sa pagbuo ng Matatag ng Pamayanan.

Narito ang mensahe ng ating alkalde:

“Labis kong ikinalulugod ang batin ang pamunuan at lahat ng Kasapi/Kamay-Ari ng Ating Kooperatiba Multi-Purpose Cooperative (AKMPC) a kanilang pagdaraos n ika-53 Taunang Pangkalahatang Pagtitipon.

Saksi ang kasaysayan sa malaking naiambag ng Ating Kooperatiba sa Bayan g Tagkawayan, hindi lamang bilang isa sa pinaka-unang kooperatiba sa ating bayan, ngunit sa ipinamalas nitong mahusay na
pamamahala, pagpapatatag ng kabuhayan at tapat na pangangasiwa ng salapi ng samahan.

Bilang isa sa kamay-ari, buo ang aking paniniwala na ang kooperatiba ay malaki ang kontribusyon sa pagpapalago n ekonomiya ng isang bayan, pagpapalakas ng komunidad, at pagpapa-ibayo ng tulong-tulong na
pagkilos para sa kaunlaran g bawat-isang kamay-ari nito.

Samahan po ninyo ako na pagbuklurin ang diwa ng kooperasyon at ang pinapangarap na Matatag, Marangal at Magiliw na Bayan ng Tagkawayan!”. —Mayor Eleazar

Share this: