Tuluyan nang bumaba sa labimpitong (17) aktibong kaso ng Covid-19 ang naitala sa bayan ng Tagkawayan noong Martes, Oktubre 12.

Batay sa tala ng Disease Surveillance Office ng Tagkawayan Rural Health Unit, patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga residenteng nagpapagaling sa sakit matapos gumaling ang tatlong (3) pasyente sa kanilang bayan.

Sa kabila nito, patuloy ang kampanya ng lokal na pamahalaan sa Covid-19 vaccination program upang patuloy na mapababa ang bilang ng mga nagkakasakit sa kanilang bayan. | via Tagkawayan Teleradyo

https://www.facebook.com/teleradyo
https://www.facebook.com/piagovphquezon

Share this: