50 MILLION PESOS NA PONDO IPINAGKALOOB NA NG PAGCOR

Pasay City—Pormal nang ipinagkaloob ng PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION o PAGCOR ang tseke na nagkakahalaga ng 50 Million Pesos sa Pamahalaang Bayan ng Tagkawayan, Quezon para sa pagpapatayo ng Multi-Purpose Evacuation Center sa Barangay Munting Parang.

Pinangunahan nina PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo at PAGCOR Presidente and COO Atty. Alfredo Lim ang turn-over
ngayong umaga, Oktubre 27, 2021 kung saan personal na dumalo si Mayor Carlo Eleazar kasama sina Municipal Treasurer Nestor Grefaldeo at MPDC Enp. Francis Villanueva.

Share this: