September 27, 2021 | Public Employment Service Office (PESO), LGU, Tagkawayan, Quezon.

Pamamahagi ng mga Sari Sari Store Packages sa mga benepisyaryo ng MISSION RACE KABUHAYAN Program mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) isinagawa sa pangunguna ng ating MAYOR CARLO ELEAZAR.

Mula sa unang limang (5) barangay na nagsumite ng resolusyon para sa kanilang Barangay Employment Service Unit (BESU) natukoy ang lima (5) ding mga benepisyaryo ng MISSION RACE KABUHAYAN Program mula sa DOLE na nagkakahalaga ng Php.29,285.75 bawat isa. Ang balidasyong isinagawa ng tanggapan ng PESO katuwang ang MSWDO at kinatawan ng barangay partikular sa kanilang mga BESU Coordinators noong nagdaang Mayo hanggang Hunyo, 2021.

Nabanggit din na mayroon lamang limang (5) benepisyaryo sa labing isang (11) bayan na mayroong MISSION RACE Program ang napagkalooban nito maliban sa mga lungsod ng Lucena at Tayabas na mayroong higit pa sa lima. Nilalayon ng kabuhayan program na maibsan ang kasalukuyang dinaranas ng ating mga kababayan sa pasakit na dulot ng COVID-19 pandemic.

Tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Mayor Eleazar at Vice Mayor Danny Liwag sa iba’t-ibang ahensya ng Pamahalaan upang higit na mapaglingkuran ang mga mamamayan ng Tagkawayan.

Share this: